Friday, May 30, 2008
Serbisyo sa komunidad at Pag-aaral
Araw ng linggo bukas at ako ay magiging abala na naman dahil sa serbisyong pangkomunidad at pangalawang linggo ng aking pag-aaral. Masaya ako na sa kabila ng aking subrang abala sa trabaho, pamilya at lingguhang serbisyo sa komunidad ako ay nabigyan ng pagkakataon na mag-aral ng Nihongo (Japanese Language), nagpasya akung mag-aral kahit papaano may maidagdag na naman akung kaalaman sa aking sarile at ito ay maaari ko ring ituro sa aking mga anak o di kaya puwede ko ring magamit sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko na mga hapon. Patapos na ang school year sa darating na martes at medyo matagal ang bakasyon, dahil September 10 pa ang pasukan nila dito sa palagay ko kailangan ng aking mga anak ang pagkakaabalahan at naisip ko masmakakatipid kami pag ako mismo ang magturo ng Vallyball at magkakaruon kami ng three times a week na swimming sa beach para wala rin kaming gastos. Sa hirap ng buhay ngayon kailangan talagang magtipid at nais ko ring ipakita sa aking mga anak kung papaano mamuhay ng simple lamang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment