![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMOVtzfVNwhzUOsEqyX5drOsEAABIpwNfr4R5gJ4YvgA0ZWadf4nA0StX_QpvZmjDDnxg4-n9pA9kpDqO4jLzeTVmcAoZUoVQeqGZya02KEecsJviKJHYpSoQKvkyvjaL7ZUa9bcR-/s400/Vacation+in+the+Phils.+3-2009+132.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgRm23Bk3oU3-kCfBUwHsIhYWhRnTpiBWr_JD4ZdJJrKaFnpEgLLb3tYpXTkRdAu0Az0k2Ine4EShKdlfxTVVJVQvkUdS4pd6JDj_We30Hw7DMZkTJgNV_5zbjQTxl19P_8SM2LodhT/s400/Vacation+in+the+Phils.+3-2009+141.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiOpU5mgBMa0Z7dpOpEHrs_xy9lquTmcYT1fBsWC5lZ06IlCzOQQz3Lruk62x2Tr4Pbh4TLSexr_wgIYCaai1PoCNybz_aEix3f-O5iJkzhhWpTTubKrrnBxU4SCm0EErk0-jPLRgbl/s400/Vacation+in+the+Phils.+3-2009+140.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjM2Im6xHnhpFBE-2o8MZwqAuPN22DfcMdgHkDMo6jOzMmbP3pxArK1NrLWV9q347AZfGp0ZxjRAoTKZzOXxOYUkYF8zs0bocwhCzOx0-PZYq13KF4SYtqrjtzPVfbOpvo9Zi9qc6pO/s400/Vacation+in+the+Phils.+3-2009+137.jpg)
Napakasarap talaga nang pakiramdam pag nakakatulung ka sa kapwa. Hinde mahalaga kung pasasalamatan o rerespituhin ka nang mga taong natulungan mo, basta ang mahalaga nagawa mo kung ano ang misyon mo sa buhay na ibinigay ni God saiyo. Kahit gaano pa kalaki ang pagkakasala saiyo nang isang tao matutu kang magpatawad at pakinggan kung ano ang sinasabe nang Diyos sa puso mo, Tao lang tayo wala tayong karapatan para maningil at magparusa sa mga taong nagkasala sa atin. Sana huwag natin kalilimutan na ang buhay natin ay hiram lang ito sa ating mahal na panginoon at huwag hayaan na sarile natin mismo ang sumira sa ating buhay. Iisa lamang ang nais nang ating Panginoong Diyos, iyon ay magmahalan at magpatawaran. Sana huwag natin pairalin ang masama na pumasok sa ating mga puso, maging mapagbantay at maging maingat sa bawat kataga na binibigkas nang ating bibig sa mga kapwa. Ang isang pagkakamali ay hinde ito kailanman puweding sabihing sorry nabigla ako, Gaano ka man katutuo sa paghingi nang sorry iyon ay nakatatak na sa isip at puso nang tao kaya sana mag-ingat tayo parati. Ang pagiging malapit sa Diyos at sa kanyang bugtong na anak na si Jesus ay isang napakalaking pagpapala para sa aking buhay sapagkat kahit kailan hinde niya ako pinabayaan sa buhay. Noong nakaraang taon pumanaw ang aming pinakamamahal na Ina, sa hinde ko inaasahang pangyayari dahil sa lima kaming magkakapated at ako pa ang bunso, doon ko naramdaman ang tunay na pag-iisa sa buhay kunde kapanalig ko ang Panginoong Diyos, wala ni isa sa aking mga ate, at kuya ang nagbigay nang tulong, pati mga kapated at kahit sarile naming ama ay wala ring ibinigay na tulong, anong sakit at hirap ang aking naramdaman pero kailaman hinde ako bumitaw sa aking Ama na itinuturing ang Diyos na maykapangyarihan sa lahat, ang buong akala ko may pamilya ako ngunit wala pala lalo na pagdating na sa setuation na kailangang-kailangan ang pagkakaisa bilang pamilya. Masakit lalo pa bunso ako sa Pamilya, pero hinde ako nagtanim nang sama nang loob sa kahit isa sa kanila, bagkos tinulungan ko pa ang tatlo kung mga kapated na magpahanggang ngayon patuloy ang pagtulong ko at umaasa sila na hinde sana ako magsawa. Alam ko ang lahat nang bagay may hangganan lalo pa kung alam ko na subra na at hinde na dapat, pero kahit ganoon pa man kahirap hinde ko kayang pabayaan ang mga kuya at ate ko. Mahal-mahal ko silang tatlo at ganoon din ang tatay ko. Sa aming Ina na labis ang aking pagmamahal sana nakikita niya ang aking mga ginagawa ngayon. Iyan ang tunay na dahilan kung bakit nagawa kung ipamahagi ang tunay na pagmamahal at pagpapatawad.
No comments:
Post a Comment