Showing posts with label Message for all the Filipino. Show all posts
Showing posts with label Message for all the Filipino. Show all posts

Monday, December 10, 2007

Better understand the Labor Law

To all my kababayan in Saipan,

It's really sad to see the children being used by adults for political purposes. We all know that as a Filipino that we can bring our U.S. Citizen children back to the Philippines. We all know that we came to Saipan for a better life and all parents including myself want a better life for our children. But we must know in our hearts that it is wrong to use our children for political purposes and lies (about can't take them home). The labor law will not separate the family at all!
How i wish that there could be someway for Filipinos to better understand the labor law. Beside we all know that no matter what the law is that there are not enought manpower (locals) here to do all the work. So jobs will always be available to us and eventually the locals will understand that. Maybe the law will even help the locals understand how important we are to the Island.

LET'S RESPECT AND LOVE ONE ANOTHER!

Nakakalungkot tignan na ang mga bata ay ginagamit nang mga magulang o mga matatanda para sa kapakanan nang politika. Alam nating lahat na bilang manggagawang Filipino at namamasukan dito sa Saipan ay puweding-puwedi nating iyuwe ang mga U.S. Citizen nating mga anak sa ating bansang Pilipinas. Alam din nating lahat na pumunta tayo dito sa Saipan para sa ikakaganda at ibubuti nang ating buhay at lahat tayong mga magulang gusto nating mabigyan nang mabuti at magandang kinabukasan ang ating mga anak. Pero mas alam naman natin sa ating PUSO na talagang mali na gamitin natin ang mga bata para sa kapakanan nang politika at kasinungalingan (gaya nang madalas sambitin na hinde natin puweding iyuwe ang ating mga anak sa sarili nating bayan). Hinde ako niniwala na ang bagong batas ngayon na ipinasa ay siyang magiging dahilan nang paghihiwalay nang mga anak sa mga magulang. Huwag tayong magbulagbulagan mga kababayan! Tayo ay kilala na matapang lalo na pag tungkol sa karapatang pangtao, ngunit tayo'y mag-isip at ipakita ang paggalang sa kapwa. Ang aking inaasam at parating ipinagdarasal na sana may masmabuting paraan upang maipaunawa sa lahat nang mga manggagawang Filipino ang tunay na kahulugan nang bagong batas nang Saipan (katulad ko, Isa rin akung manggagawang Filipino dito, ngunit naiintindihan ko at nirirespeto ko ang labor law nila dito sa Saipan). Alam nating lahat mga kababayan na walang sapat na manpower o local workers para sa lahat nang trabaho dito sa Saipan. Kaya marami pa rin ang trabaho para sa ating lahat at malay natin na sa pagkakataong ito ay maisip nang mga taga rito na kailangan nila tayo which is marami naman talaga ang nakakaappreciate sa atin dito. Malay din natin baka dahil dito sa batas na ito ay siyang susi para lalo pang tumibay ang ating pakikipagkaibigan sa mga taga rito. Mga kababayan huwag naman sana nating sirain ang magandang imahe nang ating pagiging Filipino. Dapat magmula sa atin bilang mga manggagawang Filipino gumalang tayo para tayo ay kanilang igalang din. Alalahanin natin wala isa man sa atin ang makakapagpabago nang batas nang Saipan. Kailangan nating magkaisa para sa ikakabuti nang Saipan para din ito sa ating lahat. Huwag sana nating igiit ang mga maling paniniwala!